DAHIL SA KATIWALIAN | Kongresista, kinukumbinsi ang Kamara na huwag buwagin ang ERC

Manila, Philippines – Iminungkahi ni House Committee on Energy Vice Chairman Carlos Uybarreta na huwag nang buwagin ang Energy Regulatory Commission o ERC.

Dalawang panukala ang tinatalakay sa komite, ang isa ay pagbuwag sa ERC bunsod ng mga katiwalian at isyung natuklasan sa ahensya at ang isa naman ay ang pagpapalakas sa ERC bilang independent regulatory body ng energy sector.

Ayon kay Uybarreta, anuman ang maging desisyon ng Kamara para sa ERC, naniniwala siya na mahalaga pa rin na may independent regulatory body na gagawa ng check and balance at poprotekta sa karapatan ng mga consumers at stakeholders.


Naniniwala ang mambabatas na ang pagbuwag sa ERC at hindi sagot para mas mapalakas ang energy sector.

Hirit ni Uybarreta, bigyang pagkakataon ang mga reporma na iprinisinta sa komite ng ERC para maging transparent at efficient ang ahensya sa ilalim ngayon ng pamumuno ni Chairman Agnes Devanadera.

Facebook Comments