DAHIL SA KATIWALIAN | Office of the Ombudsman, inirekomenda ang pagsasampa ng kaso laban sa alkalde ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao

Manila, Philippines – Nakitaan ng sapat na basehan para kasuhan ng Office of the Ombudsman sa Sandiganbayan ang alkalde ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao dahil sa kasong katiwalian.

Ayon kay Ombudsman Conchita Carpio Morales, si Mayor Datu Ombra Sinsuat, Sr. ay inireklamo sa ombudsman ng tatlong bilang ng kasong paglabag sa Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at limang bilang ng kasong Perjury .

Matapos sumailalim sa lifestyle check ng ombudsman sa Mindanao, napatunayang hindi dineklara ni Ombra Sinsuat sr. ang kanyang Statement of Assets and Liabilities and Network noong ‎2009-2013 at 2014 ang mga pag-aari niyang sasakyan.


Kabilang dito ang Ford Expedition, Mitsubishi Pajero, Honda Civic, at Ford Ranger gayundin hindi din nito ideneklara ang mga kaanak niyang nagtatrabaho sa gobyerno.

Hindi umano nakumbensi sa paliwanag ng alkalde ang Ombudsman sa kanyang Counter-Affidavit na kaya niya hindi ideneklara ang mga sasakyan sa kanyang saln dahil hindi na raw ito nagagamit at ang ilan ay naibenta na.

At hindi rin nito matukoy kung sino sa kanyang mga kaanak ang nagtatrabaho sa government service dahil sa dame ng miuembro ng pamilyang Sinsuat.

Facebook Comments