Manila, Philippines – Sinibak sa puwesto ang Director ng Philippine Drug Enforcement Agency sa CALABARZON na si Regional Director Archie Grande.
Ayon kay PDEA Director-General Aaron Aquino, kasunod ito ng sunod sunod na iregularidad na kinasasangkutan ni Grande at ng kaniyang mga tauhan sa serye ng isinagawang anti-illegal drugs operations sa ibat-ibang bahagi ng rehiyon.
Bukod kay Grande, sibak din sa puwesto ang 62- PDEA agent.
Kung saan sampu na lamang ang natira sa buong pwersa ng pdea sa buong CALABARZON.
Una na ring sinibak ni aquino noong nakalipas na buwan ang labing isang ahente ng PDEA sa Batangas habang iniimbestigahan din ang kanilang mga tauhan sa Cavite dahil pa rin sa kahalintulad na kaso.
Pero sabi ni Aquino, nagpalala sa kaso ni Grande ang pagkakahuli sa isang bogus na PDEA agent sa Parañaque City kamakailan na ang identification na ginagamit ay pirmado mismo ni Regional Director Grande.
Si Grande ay pinalitan ni Director Adrian Alvarino na dati na ring naging opisyal ng PDEA region 10 pero binitbit ni dating DIR-General Isidro Lapeña sa Bureau of Costums at ngayon ay babalik muli bilang regional director ng PDEA CALABARZON.