Manila, Philippines – Pinatawan ng 60-day preventive suspension ni Justice Secretary Menardo Guevarra ang tatlong prosecutor dahil sa pagkakadawit sa korupsyon.
Kabilang sa mga sinuspendi sina Pasay City Prosecutor Benjamin Lanto, Inquest Prosecutor Clementine Villanueva at Assistant Prosecutor Florencio Dela Cruz.
Maliban sa suspensyon, nahaharap din ang tatlo sa kaso sa DOJ-Internal Affairs Unit dahil sa gross neglect of duty, gross incompetence at inefficiency.
Matatandaang nasangkot ang tatlo sa pag-release sa mga suspek na dawit sa smuggling ng alahas na nagkakahalaga ng P3 milyon sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Binibigyan naman ang tatlong prosecutor ng 10 araw para magsumite ng sagot sa Internal Affairs Unit ng National Prosecutors Service.