DAHIL SA KORAPSYON | Isa pang opisyal ng gobyerno, nakatakdang sibakin ni Pangulong Duterte

Manila, Philippines – Mayroon muling sisibakin si Pangulong Rodrigo Duterte na isa pang opisyal ng gobyerno.

Gagawin ni Duterte ito pagkabalik niya sa Malacañang sa susunod na linggo.

Sabi ng Pangulo, korapsyon na naman ang dahilan kung bakit niya sisibakin ang hindi pa pinangalanang government official.


Aniya, hindi niya bibiguin ang pangako niya sa taumbayan na lalabanan ang katiwalian sa gobyerno.

Muli ring ipinaalala ng Pangulo na walang maituturing na “first family” sa bansa dahil pantay-pantay umano ang trato sa bawat isang Pilipino.

Facebook Comments