Manila, Philippines – Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na may dalawang opisyal siyang sinibak dahil sa korapsyon.
Kasabay ng kanyang talumpati sa 24th National Federation of Motorcycle Clubs of the Philippines annual convention sa Legazpi, Albay nitong sabado ng gabi muling idiniin ng pangulo ang kanyang ipinangako na tatanggalin ang lahat ng tiwaling opisyal ng gobyerno.
Sinagot din ng Pangulo ang pahayag ng nagbitiw na si labor Under Secretary Dominador Say na nag-resign siya dahil sa hindi pagkakasundo ukol sa kontraktwalisasyon o endo.
Dapat nanahimik na lang aniya si say kung hindi naman nito kayang sabihin sa publiko ang katotohanan.
Babala ng Pangulo, kapag ipinilit pa ni Say ang kanyang pahayag, hindi siya magdadalawang isip na ipakita sa media ang affidavit at i-endorso ito sa Ombudsman.
Una nang sinabi ng Malacañang na hindi nag-resign si Say kundi sinibak ng Pangulo dahil sa pagkakasangkot sa katiwalian.