Dahil sa ilang linggo nang nagkakaroon ng sunod-sunod na pagtaas ng mga presyo ng langis, nagkakaroon naman ng epekto ang mataas na presyo nito sa ilang mga modernized jeepney drivers sa Dagupan City.
Dahil sa mataas na presyo ng diesel, ilang mga modernized jeepney drivers na sa lungsod ang naapektuhan at hindi na muna ipinapasada ang kanilang mga jeep.
Paliwanag ng ilang Transport Cooperative sa lungsod, gaya na lamang ni Jessie Quiroz, Chairman ng Dagupan City Loop Transport Cooperative, kaya hindi na muna nila ipinapasada ang kanilang mga pampasaherong modernized jeepney ay nagbabawas na muna sila ng unit na umiikot sa downtown area ng lungsod para pumasada.
Dagdag pa nito na kung ilalabas ang lahat ng unit ng kanilang kooperatiba ay lulubog aniya ang kikitain at mapupunta lang sa napakataas na gasolina.
Umaaray na rin sa taas ng diesel ang ilang mga traditional jeepney drivers sa lungsod kung saan ayon sa kanila lumiliit na ang kanilang kinikita dahil napupunta sa boundary ng jeep at sa gasoline.
Samantala, kinukuhanan pa ng IFM Dagupan ng panig ang LTFRB Region 1 ukol sa hindi na muna pagpasada ng mga modernized jeepney sa lungsod. |ifmnews
Facebook Comments