DAHIL SA LUMANG ALITAN, CONSTRUCTION WORKER SUGATAN SA PANANAKSAK NG NAKABABATANG KAPATID SA LA UNION

Kasalukuyang inoobserbahan sa pagamutan ang isang trentay sais anyos na construction worker matapos itong saksakin ng nakababatang kapatid sa bayan ng tubao lalawigan ng La Union.
Ang biktima ay nakilalang si Richard Estoesta habang ang suspek ay nakababatang kapatid nito na nakilalang si Clinton.
Lumalabas sa imbestigasyon ng PNP na naganap ang pananaksak pasado alas nuebe ng Gabi habang nasa loob na ng bahay ang suspek ng dumating ang biktima at hinahamon ang suspek.

Nauwi sa suntukan ang away ng magkapatid hanggang sa makakuha ng patalim ang suspek at agad na pinagsasaksak ang kuya nito.
Nagtamo ng stab wounds sa ibat ibang bahagi ng katawan ang biktima na agad namang naisugod sa pagamutan habang naaresto naman ng mga otoridad ang suspek matapos ang insidente.
Sinasabing dati ng may alitan ang magkapatid na nauwi sa pananaksak. |ifmnews
Facebook Comments