DAHIL SA MASAMANG PANAHON | Halos 80,000 metrikong toneladang imported na bigas, hindi pa rin naibababa

Manila, Philippines – Halos 80,000 metric tons ng bigas ang hindi pa rin naibaba sa mga barko ng National Food Authority o NFA dahil sa masamang panahon.

Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperez, hindi nakalagay sa mga container ang mga bigas at mano-mano lang ibinababa dahil iniiwasan nilang maulanan ang mga ito.

Aniya, kahit isang sako lang kasi ang mabasa ay tiyak na madadamay at masisira ang lahat ng mga sakong nasa iisang bodega.


Aminado naman si Estoperez na kahit maibaba sa barko ang lahat ng sako ng mga bigas ay malabo itong makaapekto sa presyo sa pamilihan.

Ubos na kasi ang kanilang imbertaryo at umaasa na lang sa mga bigas na inaangkat mula sa ibang bansa.

Facebook Comments