DAHIL SA MASAMANG TINGIN | Graduating student, pinagsasaksak ng mag-utol sa Maynila

Manila, Philippines – Patay ang isang graduating student ng National University matapos itong pagsasaksaking sa loob ng isang bilyaran sa P. Parades Street sa Sampaloc, Maynila.

Apat na saksak sa ibat-ibang parte ng katawan ang ikinamatay ng biktimang si Daniel Hernandez, 19-anyos, isang marketing student at residente ng Rodriquez, Rizal.

Sumuko naman ang mga suspek na Eiffel De Guzman 19-anyos, grade 12 student ng Lyceum of the Philippines University at kapatid na si Elijah,15-anyos, grade 7 sa Arellano University na pawang mga residente ng Sampaloc.


Nabatid na nagkatitigan lamang ang biktma at ang mga suspek na nauwi sa panananaksak kung saan tumakas ang magkapatid sakay ng kanilang kotse na may plakang AAO-8021.

Sa follow up operation naman ng pulisya, tanging ang kotse at ang kutsilyo na sampung pulgada ang haba na ginamit sa pananaksak ang narekober pero hindi pa rin mahanap ang suspek na magkapatid.

Facebook Comments