DAHIL SA MATINDING INIT | Container van gusto gawing temporary detention cell ng NCRPO

Manila, Philippines – Planong gumamit ng container van bilang detention facilities ng mga estasyon ng pulis sa Metro Manila.

Ito ang nakikita sa isang solusyon ng bagong talagang NCRPO Chief Police Director Camilo Cascolan sa matinding siksikan ng mga preso sa Police Detention Cell.

Ayon kay Cascolan naaapektuhan na kasi ang trabaho ng mga pulis sa ilang estasyon dahil sa mabaho at matinding singaw mula sa mga nagsisiksikang preso na nakakaapekto na rin sa kalusugan ng ilang bilanggo.


Inihalimbawa pa nito ang pagkamatay ng isang inmate sa Pasay City Detention Cell dahil sa sobrang init at siksikan sa nasabing piitan

Dahil dito umaapela si Cascolan sa mga Local Government Units (LGU) na maglaan ng container van na air-conditioned na magsisilbi namang temporary detention cell facility.

Bagamat mas maganda ang pagpapatayo ng mga bagong detention cell ay aabutin naman ito ng mahabang panahon kumpara sa paglalaan ng mga container van dahil parami ng parami ang mga nahuhuli ng mga otoridad na lumalabag sa iba’t-ibang uri ng batas.

Facebook Comments