DAHIL SA MATINDING INIT | Isang inmate sa Cagayan de Oro City, namatay dahil sa siksikan sa kulungan

Cagayan de Oro City – Namatay habang ginagamot sa ospital ang isang inmate mula sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ng Barangay Lumbia, Cagayan de Oro City.

Sa ulat, dahil sa matinding paninikip ng dibdib dulot ng siksikan sa kulungan, agad dinala sa Northern Mindanao Medical Center (NMMC) ang inmate na si Bombit Rondina.

Pero pagdating sa ospital, ay nag-agaw buhay ang biktima habang nasa tabi ang kaniyang misis na si ginang Rondina.


Una rito, nakatakda sanang lumaya ang biktima ngayong Hunyo matapos mapagsilbihan ang kanyang tatlong buwang pagkabilanggo dahil sa paglabag ng RA 9165 o mas kilalang comprehensive dangerous drugs act of 2002.

Facebook Comments