Dahil sa mga pagbaha, pasok sa ilang lugar kinansela na

Manila, Philippines – Dahil sa mga pagbaha dulot ng malakas na mga pag-ulan, kinansela na ang pasok ngayong araw sa ilang lugar sa bansa.

Walang pasok sa lahat ng antas, pribado man o pang-publikong paaralan sa mga bayan ng Cardona, Cainta, Jala-Jala, Morong, Tanay, Taytay at Antipolo City Sa Rizal, Cavite City sa Cavite at Mamburao sa Occidental Mindoro.

Suspendido din ang klase mula pre-school hanggang high school sa UE Manila, UE Caloocan, mga bayan ng Pililia, Baras, Binangonan at Teresa sa Rizal, maging ang College of San Benildo sa Rizal.


Samantala, dahil pa rin sa masamang panahon, kinansela na rin ang biyahe ng Pasig River Ferry ngayong araw.

Habang naantala naman ng mahigit isang oras ang biyahe ng tren ng Philippine National Railways (PNR) kaninang umaga dahil sa binahang riles sa bahagi ng Paco station.

Facebook Comments