Quezon City – Kalaboso ang isang 26-anyos na lalaki matapos magwala sa isang beerhouse sa Kamias Road, Barangay Pinayahan, Quezon City.
Kasalukuyan nang nakakulong ang suspek na si Emilio Colombo, residente ng Camarin, Caloocan City habang pinaghahanap naman ang kaibigan at nakaaway nito na si alyas Negro.
Sa ulat, nag-agawan sa mikropono ang dalawa hanggang sa mauwi sa away.
Nagbasag ng bote si Colombo kaya’t inawat ito ng waiter na si Rodel Silvino kung saan nasugatan ito sa kamay.
Agad naman nakontrol ng ilang empleyado si Colombo habang tumakbo palabas si alyas Negro at pinagbabato pa ang pintuan ng beerhouse.
Facebook Comments