DAHIL SA MILITARISASYON | Estados Unidos, hindi inimbitahan ang China ngayong taon sa Pacific Rim Military Exercises

Kinansela ng Estados Unidos ang imbitasyon nito sa China para sumama sa malaking U.S-Hosted Naval Drill ngayong taon.

Tugon ito ng Amerika dahil sa militarisasyon ng China sa West Philippines Sea.

Ayon kay Pentagon Spokesman, Lt/Col. Christopher Logan, disinvited ang People’s Liberation Navy ng China sa 2018 Rim of the pacific o RimPac Exercise.


Matibay aniya ang mga ebidensya na nag-deploy ang China ng kanilang anti-ship missiles, surface-to-air missile systems at electronic jammers sa pinagtatalunang Spratly Islands.

Ang RimPac, ang pinakamalaking maritime exercise sa buong mundo na ginaganap kada dalawang taon sa Hawaii tuwing Hunyo at Hulyo.

Facebook Comments