DAHIL SA NAME CALLING │Dalawa sa abogado ni CJ Sereno at CHR Commissioner Roberto Cadiz, inisyuhan ng show cause order

Manila, Philippines – Inisyuhan ng House Committee on Justice ng show cause order ang dalawang abogado ni Supreme Court Chief Justice Ma. Lourdes Sereno.

Ito ay dahil sa panghahamak at “name-calling” na ginawa ng dalawang abogado ni Sereno kung saan tinawag na “dog at pony show” ang impeachment proceedings ng Kamara.

Partikular na inisyuhan ng show cause order sina Atty. Joshua Santiago at Aldrin Salumbides at pinagpapaliwanag ang mga ito kung bakit hindi sila dapat ma-cite in contempt ng komite.


Maliban sa dalawang abogado, pinagpapaliwanag din si Commission on Human Rights Commissioner Roberto Cadiz dahil tinawag nito na “Law of the Jungle” ang impeachment ng kamara sa kanyang mga pahayag sa media.

Umapela naman si Justice Committee Chairman Rey Umali sa mga abogado ni Sereno na tigilan na ang name-calling at dilatory tactics sa impeachment hearing.

Facebook Comments