Manila, Philippines – Dahil sa nararanasang malakas na buhos ng ulan dulot ng habagat na pinalakas ng bagyo Gorio, nagsuspinde na ng klase ang ilang lungsod sa Metro Manila.
Walang pasok ang mga sumusunod sa lahat ng antas, public at private.
Sa Malabon City at Caloocan City, habang pre-school hanggang senior high school naman ang suspendido sa Navotas City, Quezon City, Valenzuela City at Manila elementary hanggang high school private at public.
Kanselado rin ang klase sa mga sumusunod na Unibersidad:
– Pamantasan ng lungsod ng Valenzuela
– Valenzuela Polytechnic College
– Our Lady of Fatima University Valenzuela Campus
– UE Caloocan Campus
– Manila Central University
– Don Honorio Ventura Technological State University sa Bacolor, Porac, Mexico at Sto. Tomas Campuses sa Pampanga.