DAHIL SA NAWAWALANG TSINELAS: MAGSASAKA SA BAYAN NG ANDA, TINAGA

Nauwi sa pananaga ang paghahanap ng nawawalang tsinelas sa bayan ng Anda.

Naganap ang insidente pasado alas diyes ng gabi sa Barangay Dolaoan sa nasabing bayan kung saan ay nag iinuman ang biktima na si Elvis Castillo kasama ang ilang kaibigan.

Dito na dumaan ang suspek na si Amante Carreon kasama ang may bahay at anak nito kung saan ay bumalik ang mag ina ng suspek dahil naghahanap sila ng nawawalang tsinelas.


Dito na nagkaroon ng pagtatalo ang mag ina ng suspek at ang biktima kung saan ay sumunod ang suspek na armado ng itak at agad na pinagtataga ang biktima.

Nagtamo ng taga sa kaliwang pisngi at siko ang biktima na agad naisugod sa pagamutan habang nahuli ng mga rumespondeng pulis ang suspek.

Facebook Comments