Kinalampag ni Albay Rep. Joey Salceda ang pamahalaan na mas bilisan pa ang vaccine rollout ng bansa.
Ito ay kasunod ng pagbagsak ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa sa 4.2% sa first quarter ng 2021.
Ayon kay Salceda, pinakamahalagang ‘economic intervention’ ngayon ang mabilis na rollout sa bakuna upang matulungan ang mga Pilipino na maka-recover at ligtas na makabalik sa trabaho.
Habang hinihintay rin ang pagdating ng mas maraming bakuna at ligtas na pagbubukas ng bansa, mahalaga aniyang ikunsidera at kilalanin ng pamahalaan ang pangangailangan sa household relief.
Paliwanag ni Salceda, ang household relief ang maituturing na ‘strongest relief’ para maprotektahan ang household income at ‘strongest bridge’ para sa bakuna tulad ng isinusulong sa Bayanihan 3.