France – Mahigit 1,600 na residente ng Rouvres-Sur-Aube sa Eastern France ang inilikas dahil sa matinding pagbaha dulot ng masamang panahon.
Ayon sa mga otoridad, isang 70-anyos rin na German national ang nawawala matapos mahulog sa River Aube.
Sabi ni Françoise Souliman ng Haute-Marne District, nag-deploy na sila ng diver at helicopter sa lugar para makatulong sa paghahanap.
Sa twitter post ni French Interior Minister Gérard Colomb, nanawagan ito sa kaniyang kababayan na pag-ibayuhin ang pag-iingat.
Agad din nagpakalat sa lugar ng mahigit 400 firefighter para sa rescue operation at paglikas ng mga apektadong residente.
Facebook Comments