Dahil sa pagbenta ng tingi-tinging gasolina, lalaki arestado

30

Numancia, Aklan – Inaresto ng mga otoridad ang isang 20-anyos na lalaki sa Brgy. Badio Numancia, Aklan dahil sa pagbenta ng tingi-tinging gasolina. Kinilala ang nahuli na si Jay-R Naraga Villete, helper at tubong Brgy. Manoc-manoc Boracay at pansamantalang nakatira sa nasabing lugar. Base sa report ng Numancia MPS, ay nabilhan nila ng dalawang bote ng gasoline si Villete sa halagang P 120.00 pesos. Kinumpiska rin ng mga otoridad ang mga container na merong lamang gasolina na halos umabot sa 88 litro. Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Numancia PNP si Villete at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa P.D. 1865 o Illegal Trading of Petroleum Products. [image: 📷] Numancia Pulis Mabinuligon

Facebook Comments