Manila, Philippines – Malugod na ibinalita ng Palasyo ng Malacanang ang pagtaas ng koleksyon ng Bureau of Immigration noong nakaraang taon.
Ayon kay Presidential Spokesman Secretary Harry Roque, 4.75 billion o 18% ang itinaas ng koleksyon ng BI noong 2017 kung ikukumpara sa 3.86 billion noong 2016.
Ang pagtaas na ito aniya ay maiuugnay sa mahigpit na pagmomonitor sa koleksyon ng BI pati na ang modernization ng paglalabas ng official receipts at order of payments slips nito na naging dahilan ng episyenteng operasyon ng BI.
Tiwala din si Roque na mahihigitan pa ng BI ang kanilang koleksyon noong nakaraang taon lalo pa’t motivated ang mga empleyado ng BI sa naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibabalik ang magandang benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno na nagsisikap nagsasakripisyo at nagtatrabaho ng tapat para sa bayan.