DAHIL SA PAGKAIN | 2 piloto ng Iraqi Airways, suspendido matapos mag-away

Baghdad, Iraq – Sinuspinde ng Iraqi Airways ang dalawang piloto matapos mag-away dahil lamang sa pagkain.

Nangyari ang insidente habang nasa kasagsagan ng flight mula Mashhad City patunong Baghdad lulan ang nasa 157 pasahero.

Sumiklab ang pagtatalo ng dalawang piloto nang hindi mabigyan ng pagkain ang isa sa kanila.


Matapos na ligtas na mailapag ang eroplano ay doon nila ipinagpatuloy ang kanilang away.

Patuloy ang imbestigasyon ng airline company sa insidente.

Facebook Comments