Manila, Philippines – Sinampahan ng kasong graft o katiwalian sa Office of the Ombudsman ng Anti-Trapo Movement of the Philippines si PAGCOR Chair Andrea Domingo.
Ang kaso ay nag ugat sa legalidad ng kapangyarihan ng PAGCOR na mag -syu ng online gaming license.
Ayon kay Leon Peralta, founding chairman ng ATM, nagkaroon ng paglabag sa code of conduct at ethical standard si Domingo nang gamitin nito ang opinyon ng Office of the Solicitor General para patigilin ang Aurora Pacific Economic Zone na nakapag operate ng online gaming sa labas ng Aurora Economic Zone .
Ang ginawa ng PAGCOR ay isang uri ng forum shopping.
Nangangamba ang ATM na kapag nalagay lamang sa iisang ahensya ang pagiisyu ng gaming license ay maaring maging ugat ng korapasyon.
Facebook Comments