DAHIL SA PAGLABAG | Ilang recruitment agency, isasara ng POEA

Manila, Philippines – Madadagdagan pa sa mga susunod na araw ang mga recruitment agency na ipapasara ng Philippine Overseas Employment Administration o POEA dahil sa mga paglabag.

Ito’y matapos kanselahin ang lisensya ng ilang recruitment agency na nakitaan ng paglabag.

Ayon kay POEA Administrator Bernard Olalia, dumaan naman ang mga ito sa tamang proseso kung saan ipinadala muna sa mga ito ang kopya ng reklamo at binigyan sila ng 15 araw para magpaliwanag.


Pinagharap rin aniya ang mga OFW na nagreklamo at kinatawan ng mga agency.

Facebook Comments