Manila, Philippines – Sinampahan ni Akbayan Party-List Representative Tom Villarin ng reklamong pagnanakaw si Labor Undersecretary Jacinto Paras dahil sa pagnanakaw nito sa kaniyang cellphone habang nasa pagdinig sa kamara.
Giit ni Villarin, nakaupo siya nang lumapit sa kaniya si Paras at kinausap siya.
Sunod nito ay ipinatong umano ng opisyal ng DOLE ang cellphone nito sa cellphone ng kongresista na nasa lamesa.
Pagkuha umano ni Paras sa kaniyang cellphone, tangay na rin nito ang cellphone ng mambabatas.
Itinanggi naman ni Paras ang akusasyon ni Villarin at sinabing hindi niya alam na nadala niya cellphone ng kongresista.
Nakita naman ang cellphone ni Villarin sa ibang kuwarto ng Kamara makalipas ang ilang oras.
Facebook Comments