Ilocos Sur – Pansamantalang mawawalan ng bisa ang Permit to Carry Firearms Outside Residence o PTCFOR sa Ilocos Sur.
Batay sa pinirmahang Memorandum order ni PNP Chief Ronald Dela Rosa, simula April 14 hanggang April 22, 2018 ay ipagbabawal muna ang pagbibitbit ng baril o kanselado muna ang PTCFOR.
Sinabi ni Police Director Camilo Cascolan, director for operations, na ang dahilan ng nakatakdang suspensyon ng PTCFOR ay dahil sa 9 na araw na Palarong Pambansa.
Exempted o hindi naman kabilang sa suspensyon ng PTCFOR ang lahat ng miyembro ng Armed Forces of the Philippines, Philippine National Police at iba pang Law Enforcement Agencies.
Layon ng Suspensyon ng PTCFOR ay upang matiyak na magiging payapa at ligtas ang Palarong Pambansa.
Facebook Comments