DAHIL SA PANCIT CANTON │Mag-kumpare, nagsuntukan!

Manila, Philippines – Nang dahil sa pancit canton, nagsuntukan ang dalawang mag-kumpare sa Sampaloc, Maynila.
Nakilala ang dalawa na sina Roberto Cruz at Ebbis Dumondon na mga residente ng Loyola Street.
Sa imbestigasyon ng Manila Police District Station 4, nag-iinuman ang dalawa nang biglang magalit si Cruz dahil sa halip na tinidor ay kamay ang ginamit ni Dumomdon para haluin ang pancit canton na kanilang pulutan.
Nauwi sa pagtatalo ang dalawa hanggang sa magsuntukan kung saan natigil lamang sila ng maawat ng mga barangay tanod.
Putok ang kaliwang kilay ni Cruz habang sugat sa gitna ng ilong naman ang kay Dumondon.

Facebook Comments