Manila, Philippines – Patuloy na inoobserbahan sa ospital ang dalawang magkapatid na lalaki matapos silang pagbabarilin ng kanilang mga kapitbahay dahil lamang sa parking space sa Barangay Corazon De Jesus, San Juan City.
Nakilala ang mga biktima na sina Alvaro at Henry Hamtig habang naaaresto naman ang kapitbahay na si Rodell Saavedra at ang suspek na bumaril sa magapatid na si Mark Jeviel Villanueva.
Sa ulat, nagalit si Saavedra matapos iparada ng mga biktima ang kanilang tricycle sa tapat ng kanilang tahanan.
Naging mainit ang pagtatalo nila ng sipain pa ni Saavedra ang tricycle kung saan inutsan niyaang tauhan na si Villanueva na barilin ang magkapatid.
Tinangka pang tumakas ng mga suspek pero nadakip din sila ng pulisya habang mabilis naman naisugod sa ospital ang mga biktima.