Manila, Philippines – Dahil sa patuloy na bakbakan at pagtugis sa mga natitirang miyembro ng Abu Sayyaf Group, isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Clarin sa Bohol.
Ayon kay Clarin Mayor Allen Piezas, kahapon idineklara ang state of calamity sa lugar matapos na maapektuhan ang mahigit 4,000 katao sa operasyon ng militar laban sa bandidong grupo.
Nabatid na hindi bababa sa tatlong miyembro ng ASG ang nanatili sa Clarin.
Nakaligtas ang mga ito mula sa bakbakan nang pumasok sa Inabanga, Bohol noong April 11 sa pangunguna ng ASG sub-leader na si Muammar Askali.
DZXL558
Facebook Comments