DAHIL SA PERA | Grupong Kadamay, nagkawatak-watak na matapos na okupahin ang mga pabahay ng gobyerno

Manila, Philippines – Nagkakawatak-watak na umano ang mga miyembro ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap dahil sa pera.

Ayon sa tagapagsalita ng naturang urban poor group na si Michael Beltran, tinanggal na nila bilang lider ang isang Jeff Aris dahil sa pagiging abusado.

Si Jeff Aris ang isa lamang sa 300 Kadamay members na umalis na sa grupo dahil hindi na umano nila masikmura ang sapilitang paniningil ng hanggang 300-pesos kada isa sa bawat apat na libong miyembro tuwing may aktibidad.


Paliwanag ni Beltran, hindi nila patakaran ang maningil kundi boluntaryo lamang itong ambagan sa bawat kilos protesta para pang-arkila ng sasakyan.

Inupakan din ni Beltran ang mga lider na kumalas sa Kadamay dahil nakipagsabwatan na umano ang mga ito sa National Housing Authority (NHA).
Matatandaang pwersahang inukupahan ng Kadamay ang apat na libong housing project para sa mga PNP at AFP personnel sa Pandi Bulacan hanggang sa ipag-utos ni Pangulong Duterte na ibigay na lamang ito sa nasabing grupo.

Facebook Comments