DAHIL SA POACHING | 20 mangingisdang Vietnamese, hinuli sa Palawan

Palawan – Hinuli ng mga otoridad ang nasa 20 mangingisdang Vietnameses na sakay ng dalawang bangka dahil sa poaching sa Mangsee Island sa Palawan.

Nakumpiska ng Philippine Navy patrol craft sa mga bangka ng mga Vietnamese ang mga patay na pating at stingray.

Aabot sa 54 na mga patay na pating at stingrays ang narekober mula sa mga Vietnamese kung saan hindi pa mabatid kung saan nila ito nakuha.


Sa ngayon ang mga dayuhan ay nasa kustodiya ng provincial prosecutor para sa inquest.

Facebook Comments