DAHIL SA PRIDE | Kahit pa may nag-alok ng 100 million, Marquez, tumangging labanan ulit si Pacquiao

Sports – Pride ang pinanghawakan ni Mexican Boxer Juan Manuel Marquez matapos itong bigyan ng offer ng tumataginting na 100-million para sa ikalimang laban kontra kay Pinoy Boxing Icon Manny Pacquiao.

Ito ang ikinuwento ni Marquez sa isang interview nang hiritan ito kung may balak pa muling tumungtong sa loob ng ring.

Ayon pa kay Marquez, ang offer ay nanggaling pa raw mismo sa ilang investor mula sa Pilipinas.


Bagamat aminado itong nasilaw sa laki ng offer sa kanya, iginiit pa rin nito na mas mahalaga ang honor at pride kumpara sa nasabing laban.

Matatandang opisyal na nagretiro si Marquez noong Agusto ng taong kasalukuyan sa record na 56 wins, seven losses ang one draw.

Facebook Comments