DAHIL SA SABUNGAN | Mainit, Surigao Del Norte Mayor Mondano, pinasususpinde

Surigao Del Norte – Pinasususpinde ng Office of the Ombudsman ang alklade ng Mainit, Surigao Del Norte na si Ramon Mondano dahil sa kasong simple neglect of duty.

Ito ay makaraang payagan ng alkalde ang pagkakaroon ng sabungan sa Barangay Matin noong Hunyo kasabay ng pagdiriwang ng pista sa lugar kahit walang barangay clearance.

Sa ilalim kasi ng Local Government Code, dapat na maglabas muna ng barangay clearance ang barangay bago mag-issue ng special permit ang munisipyo.


Isang taong pinasususpinde sa serbisyo ng Ombudsman si Mayor Mondano.

Facebook Comments