Manila, Philippines – Trending ngayon sa social media isang dating konsehal ng San Jose del Monte, Bulacan makaraang umani ng sari-saring pambabatikos sa kanyang ginawang ‘sarcastic post’ kontra Senator Cynthia Villar.
Sa post ni Irene Bonita del Rosario, ex-councilor ng San Jose del Monte Bulacan at natalo bilang congresswoman ng lungsod, sinabi nito na: “Bilib talaga ako kay Sen. Cynthia Villar, hindi niya nakakalimutan ang ating lungsod, katunayan marami siyang pinagawang kalsada sa atin, marami kasi siyang subdivision na nasa atin, pinagawa niya din ang overpass sa Kaypian kahit walang tumatawid, sa tapat kasi ng mall niya, at higit sa lahat kinuha niya ang ating tubig….”
Ang nasabing post ni del Rosario ay hindi tinanggap ng mga netizen at sa halip ay sari-saring pambabatikos ang inabot nito. Ayon sa galit na galit na hamon ni Schiena Torrero: “Kung magaling ka nga konsehala, pangunahan mo ang pagpunta kay Tulfo! Gusto kong makita sa FB live mo kung paano ka ma-P…I..ni Tulfo”.
Isang netizen din ang tumuligsa dating konsehala at ipinaalala pa nito ang dating demanda na inabot nito. Ayon kay Ivan Benidict Adamon: “Kaya ka nakakasuhan, panay ang paninira mo ng walang katapusan. Sa kagaganyan mo, may naitutulong ka ba? Dumadagdag ka lang sa problema.”
Matatandaan na si del Rosario ay nakasuhan ng cyber libel noong isang taon at pansamantalang nakulong sa provincial jail ng San Jose del Monte at nakalaya lamang makaraang maglagak ng piyansa.
Ang kasong cyber libel na sinampa ng isang nagngangalang Perfecto Tagalog ay nag-ugat sa isang post sa social media ni del Rosario kung saan inuugnay niya ang pangalan ng mag-asawang pulitiko sa naganap na ‘water tank explosion’ noong October 2017.
“Yan ang hilig mo, manisi. Kung ang ipino-post mo ay suggestion para makatulong eh di maganda pa. Ang sakit mo sa mata”, ayon pa sa netizen na si Adamon. Iba naman ang suggestion ng netizen na si Nylecoj Ocram Zednanref: “Yung mga hindi nakaupo ngayon ay huwag na lang kumibo sa mga usaping problema ng bayan, hayaan na lang natin ang nakaupo, sila na lang ang mamrublema at kayo ang gawin nyo manahimik na lang kayo, magpahinga na lang kayo. Ang pangit kasing tingnan…”
Ipinagpapasalamat naman ng isang Vanessa Dionisio sa kanyang comment ang pagkatalo ni del Rosario sa nakaraang eleksyon: “Buti na lang talaga at natalo ka na, wala ka naman talagang bilang eh puro ka lang reklamo, sa ilang taong panunungkulan mo, wala ka namang nagawa, wala ka rin namang natulungan, wala ka rin namang naiambag. Puro pambabatikos ang alam mo…” “Hayaan niyo na, ang mahalaga natalo rin sila ng mag-asawa”, ayon naman kay Rea Espenida.
Samantala ay ipinagtanggol naman ng ibang netizen ang ginagawang pagtulong ni Senator Villar sa San Jose del Monte at tahasang tinuligsa ang dating konsehal.
“Bilang konsehal na wala namang magandang nagawa, try mong magpakatotoo sa harap ni Villar. Bilib ka pero kung banatan mo siya. Nagpapansin ka lang. Ride sa issue, kala mo makakabalik ka pa sa pagiging konsehal? Kung alam lang ng mga San Joseños na isa kang plastic.”Ayon naman sa netizen na si Win Adazul.
Sa komento naman ni Gloria Miranda: ” Talaga lang ha, dami mong hanash? Papansin kang masyado, gawin mo magisip ka ng solusyon sa kinakaharap na problema ng ating lugar, wag mong isisi sa iba. Tama ba Irene”
Isang hashtag naman ang kinomento ni Mandy Salvatore na #CertifiedIrenePlastic.
“Alam mo Irene bakit hindi ka nanalo? Kung ako ang magiging mayor, ipagbabawal ko ang PLASTIK na tulad mo na sumisira sa ating kalikasan”, banat naman ni Arthuro Lazaro.
Ayon naman kay Lemuel Ricaforte : ” Iba ka rin teh Irene,san ka nakakakuha ng lakas? Kapal ng mukha, isa ka rin naman sa nakinabang. Hmmmp”
“Mas bilib ako sayo Irene. Certified na plastic ka”, komento naman ni Randy Custodio.
Sabi naman ni netizen Kontrabidang Pabida: “Miss Irene Bonita del Rosario napakaplastik mo. Todo puri kay Villar pagkaharap tapos todo sira ka sa Prime Water. #Plastic #User”.
Tinawag rin na plastic ng netizen na si Irene Turubio si del Rosario, ayon sa komento: “Ang plastic mo Irene. Pinupuri mo si Villar. Bakit hindi ka tumulong?”
Isinisi naman ng netizen na Philip Nuñez ang pagdumi ng kanilang tubig sa kaplastikan umano ni Irene sa kanyang komento: ” Feel ko kaya madumi ang tubig, kasi madumi ka. Madami akong nadidinig na plastic ka.”
“Sus dumale ka na naman Irene del Rosario akala mo kung nanalo ka magiging maayos ang tubig? Bakit Diyos ka ba para i-magic mo ang tubig sa dam? Kung gusto mong tumulong sa tao, tumulong ka na lang, huwag ka na kung ano ano pa ang sinasabi mong paninira…” ayon pa sa isang netizen na si Christy Gamboa Delos Reyes.
Ayon naman sa netizen na Philip Nuñez :” Pag kaharap si Villar puro puri ka. Pag eleksyon at kailangan ng tulong pinansyal, mabait kay Villar. Ano yun ginamit lang? Ngayon sira ka ng sira.”