DAHIL SA SELOS │Tatay, walang awang sinaktan ang mga anak

Manila, Philippines – Sasampahan na ng reklamo ng awtoridad ang lalaking walang awang sinaktan ang kanyang tatlong anak sa General Santos City.

Ayon kay General Santos City PNP station 8 commander, Sr/Insp. Reynaldo Rojo – nasagip na ang dalawang batang babae na may edad tatlo at walo sa kanilang bahay at nasa pangangalaga ng Dept. of Social Welfare and Development.

Pero ang anim na taong gulang na lalaki ay hawak pa rin ng lalaking suspek na patuloy na tinutugis.


Lumalabas sa imbestigasyon, ginawa iyon ng suspek dahil sa selos sa kanyang misis na nasa Kuwait na sinasabing may karelasyon.

Hindi rin nagpapadala ng pera ang misis sa pamilya.

Sinabi naman ni Hans Leo Cacdac, administrator ng Overseas Workers and Welfare Administration (OWWA) – gumagawa na sila ng hakbang para matunton ang nanay ng mga bata.

Magkatuwang ang DSWD, OWWA at Department of Justice (DOJ) sa pagsasampa ng kaso laban sa ama ng mga bata.

Facebook Comments