DAHIL SA SELOS | Babae, arestado sa Quezon City sa kasong online libel

Manila, Philippines – Arestado ang isang babae sa Quezon City matapos na mag-post ng mga mapanirang salita laban sa biktima sa social media.

Kinasuhan ng online libel ang suspek na kinilala lang na si ‘Gemma; matapos umanong mag-post sa kanyang social media account ng mga masasakit na salita laban sa isa pang babae na dating karelasyon ng kanyang live-in partner.

Hindi naman ito itinanggi ng suspek na umaming ginawa ito dahil sa selos pero giit nito hindi siya ang nauna.


Pinaalalahanan naman ng pulisya ang publiko na maging maingat sa pag-po-post ng mga bagay sa kanilang social media account.

Facebook Comments