DAHIL SA SELOS | Buntis pinatay ng mismong asawa nito

98

Negros Oriental – Nasawi ang buntis na public school teacher matapos na patayin mismo ng kanyang asawa dahil sa selos sa Barangay Taclobo, Dumaguete City, Negros Oriental.

Kinilala itong si Virginia Montesor 31-anyos habang ang suspek nitong asawa ay kinilalang si Ronald Montesor, 29-anyos.

Sa report ni Police Superintendent Jonathan Pineda – Chief of Police ng Dumaguete City, nangyari ang insidente kaninang alas 5:45 ng umaga.

Habang natutulog ang mag-asawa ay nagising ang suspek, kinuha ang unan at itinakip ito sa mukha ng kaniyang misis na naging dahilan upang ito ay mamatay dahil sa suffocation.

Si Mrs. Montesor ay napag-alamang pitong buwan nang buntis.

Agad namang naaresto ang mister nito at nakakulong sa Dumaguete City Police at kakasuhan ng parricide.

Facebook Comments