Manila, Philippines – Huli ang isang lalaki matapos niyang saksakin ang ka live-in partner sa Luzon Street, Tondo Maynila.
Naaresto ang suspek na isang construction worker habang himala namang nakaligtas ang biktima matapos dalhin sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang 24-anyos na biktima.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Moriones Police, nakikipag-inuman ang suspek kasama ang isang katrabaho sa loob ng kanilang bahay nang bigla niyang nilapitan ang biktima kung saan sinakal at pinagsasaksak sa leeg.
Anila, selos ang nagtulak suspek para saksakin ang kaniyang kinakasama gamit ang isang screw driver.
Agad rumesponde ang mga otoridad dahilan para mahuli ang suspek.
Facebook Comments