DAHIL SA SELOS; LALAKI, SINAKSAK SA ILAGAN CITY

CAUAYAN CITY – Maswerteng hindi napuruhan at ngayon ay nakaconfine na ang isang lalaki na sinaksak habang pauwi sa Brgy. Alinguigan 2nd, City of Ilagan, Isabela.

Nakilala ang biktima na si Dexter Alvarez, 35 anyos, habang ang suspek naman ay si alyas “Gim”, 32 anyos.

Sa ulat ng PNP Ilagan, inabangan umano ng suspek ang biktima sa isang madilim na eskenita at nang makakuha ng tiyempo ay sinaksak nito sa tiyan ang biktima.


Matapos ang pananaksak ay kaagad na tumakas ang suspek ngunit makalipas ang ilang oras ay isinuko rin nito ang kanyang sarili.

Samantala, tinitingnang motibo naman ay selos na kung saan pinaniniwalaan umano ng suspek na may relasyon ang kanyang asawa at si Alvarez.

Facebook Comments