DAHIL SA SELOS | Lola, sinaksak ang 24-anyos na nobyo

Manila, Philippines – Nang dahil sa selos, napatay ng 65-anyos na lola ang kaniyang 24-anyos na nobyo sa Barangay Santa Monica, Novaliches, Quezon City.

Ayon sa hindi pinangalanang suspek, harap-harapan siyang binastos ng lalaki matapos itong mag-uwi ng babae sa kaniyang bahay.

Buong akala kasi ng lalaki ay wala sa bahay si lola, kaya dinala niya ang kanyang kalaguyo.


Nagtamo naman ng sugat sa likod, braso, at mukha ang lalaki matapos pagtatagain ng lola gamit ang screw driver.

Sinubukan pang pagbatiin sa barangay ang dalawa pero nagpasya sila na maghiwalay na lang.

Facebook Comments