DAHIL SA SELOS? | Mag-tiyahin, natagpuang patay sa loob ng kanilang bahay sa Mandaluyong City

Mandaluyong City – Wala ng buhay ng matagpuan ang mag-tiyahin matapos na pagsasaksakin sa loob ng kanilang bahay sa Mandaluyong City.

Nakilala ang mga biktima na sina Maria Rusula Paomul, 40-anyos na anim na pitong buwan buntis at ang grade 4 student na pamangkin nito.

Ayon sa Mandaluyong PNP, suspek sa nasabing krimen ang live-in partner ng biktima na si Benjamin Partinez na isang taxi driver.


Nangyari pa ang krimen noong Lunes pero kahapon lamang nakita ang mga bangkay ng dalawa.

Hindi pa naman matukoy ang motibo sa krimen pero hinala ng pulisya na selos ang pangunahing dahilan ng suspek na patuloy na pinaghahanap ng pulisya.

Facebook Comments