DAHIL SA SELOS | Misis, patay matapos saksakin ng mister

Batangas – Nang dahil sa selos, patay ang isang ginang matapos na saksakin ng kaniyang mister sa harapan ng kanilang pitong taong gulang na anak sa Lian, Batangas.

Sa ulat, tinangkang sa kanilang bahay ang ginang na si Zarah Jane Acosta kasama ang kanilang anak pero naharang ito ng mister na si Jimuel Acosta.

Sa galit, kumuha ng kutsilyo ang mister saka sinaksak ng ilang beses ang kaniyang misis kung saan nagawa pa itong maisugod sa ospital pero idineklarang dead on arrival.


Tinangka naman tumakas ng suspek pero nadakip ito sa follow-up operation at iginiit na nagdilim ang kaniyang paningin ng malaman na iiwan na siya ng kaniyang mag-ina.

Facebook Comments