DAHIL SA SUGAL | 4 na lalaki, arestado sa iligal na sugal

Makati City – Arestado ang apat katao matapos isinagawa ng pulisya ang Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) sa Cactus Street, Brgy. Pembo, Makati City.

Kinilala ang mga nadakip na sina Jerulim Marto, Lorenzo Babagay, Michael Tan at Rogie Tuberde.

Huli sa aktong nagsusugal ang apat gamit ang dice kung saan tinangka pa nilang tumakbo pero nakorner sila ng mga otoridad.


Narekober sa kanila ang perang aabot sa P300.00 at dalawang dice na ginagamit sa illegal na sugal.

Facebook Comments