Dahil sa takot na dapuan ng COVID-19: Pugante sa US, sumuko sa pulisya

Image from newsobserver.com

Balik-selda ang isang pugante sa North Carolina, United States dahil sa pangambang dadapuan siya ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa labas.

Inanunsyo ni Robert Higdon, U.S. attorney sa Eastern District of North Carolina, na sumuko sa awtoridad si Richard Cephas matapos ang 18 araw na pagtatago.

Batay sa ulat ng News and Observer, binubuno ng lalaki ang sentensya sa kaniya na limang taong pagkukulong makaraang madawit sa kasong may kinalaman sa iligal na droga.


Labis daw nababahala si Cephas para sa kaligtasan habang nasa siyudad ng Butler, kung saan din siya nakapiit.

“We didn’t have enough soap. We had no control over social distancing… I signed up for a jail sentence, not a death sentence,” pahayag ng nasasakdal.

Sinisikap naman ng Bureau of Prisons na sugpuin ang virus na nakapasok na raw sa ibang kulungan.

Nasa 497 na ang kabuuang preso na tinamaan ng COVID-19 sa bansang Amerika, at 22 sa kanila ay pumanaw.

Patuloy na sinusuri ng ahensiya ang mga bilanggo na kwalipikadong lumaya pero hindi malinaw kung kasali dito si Cephas.

Facebook Comments