Dahil sa takot sa COVID-19, Coleen Garcia, mas piniling manganak sa bahay!

1108

Dahil sa COVID-19 pandemic, mas pinili ngayong ng soon-to-be mom na si Coleen Garcia na sa bahay na lamang manganak

Nabatid na nakatakdang manganak si Coleen ngayong buwan ng Setyembre.


Say ng 27-year-old star, first choice talaga nila ng asawang si Billy Crawford na manganak siya via unmedicated water birth.

Aniya, dapat ay sa ospital ito gagawin, pero dahil sa pandemya ay pinili na lang nilang sa bahay gawin kung saan mas komportable at ligtas sila ng kanyang panganay na baby boy.

Aminado ang aktres na hindi madali ang panganganak sa bahay, kaya naghahanda na aniya si Billy at kanyang team na binubuo ng midwife, nurse at doula kung saan may contingency plan na rin sila kapag kinailangang siyang itakbo sa hospital.

Facebook Comments