Manila, Philippines – Ipinahinto muna ng pamahalaang lokal ng Maynila ang demolisyon sa mga iskwater na nasa kahabaan ng Legaspi Street malapit sa kanto ng Real street sa Intramuros.
Ito ay dahil sa wala pang relokasyon ang mga residente kahit pa naglabas ng court order para sa nasabing demolisyon.
Posible kasing mauwi sa gulo ang demolisyon sa bahay ng mga informal settler na naninirahan sa nasabing lugar.
Dahil dito, hahanapan muna ng relokasyon ang mga residente habang ang iba ay bibigayan ng pagkakataon na lumikas.
Napag-alaman pa na ilan sa mga bahay ay umabot na ng ika-apat hanggang ika-limang palapag.
Facebook Comments