Manila, Philippines – Bukol at sugat sa iba’- ibang bahagi ng katawan ang inabot ng isang lalaki matapos Bugbugin Sa Brgy. Holly Spirit, Quezon City.
Nakilala ang biktima na si Marvie Caliwliw, 25-anyos na residente ng Montalban, Rizal.
Ayon sa nanay ng biktima na si Ellen, isang lalaki ang nakatitigan ng kanyang anak kung saan nagkaroon sila ng mainit na pagtatalo at nauwi sa suntukan.
Hindi kinaya ng nanay ang nakita niyang ginawa sa kaniyang anak kaya nawalan na siya ng malay at masama din ang loob dahil pinanood lang daw ng mga tanod ang suntukan.
Depensa naman ng mga tanod na umawat sila sa insdiente pero ayaw ng biktima na tumigil at lumalabas din sa imbestigasyon ng mga pulis na siya ang nagsimula ng away.
Facebook Comments