Pangasinan – Patay ang isang 70-anyos na lolo matapos pagsasaksakin ng kaniyang nakaaway sa isang sugalan sa Brgy. Pao, Manaoag, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si Herardo Cristobal habang ang suspek ay nakilalang si Mark Louie Miran, 23-anyos.
Nagkaroon ng alitan ang dalawa sa sugalan nang dahil lamang sa “tong” kung saan pauwi na ang biktima nang sundan ng suspek saka sinaksak ng dalawang beses sa tiyan.
Itinakbo pa sa ospital ang biktima ngunit hindi na ito umabot pa ng buhay habang naaresto naman ang suspek sa ikinasang follow-up operation ng mga pulis.
Facebook Comments