DAHIL SA TRAIN LAW | Duterte administration, tinawag na walang malasakit sa informal sector

Manila, Philipines – Isa na namang grupo ang itinatag para kalampagin ang Duterte administration sa epekto sa mga mahihirap ng Tax Reform Acceleration and Inclusion o TRAIN law.

Inilunsad ngayon ang Asosasyon ng Samahang Pantao o ASAP na binubuo ng iba’t-ibang organisasyon ng informal sector.

Ayon kay Jose Morales, tagapagsalita ng ASAP, sa kabila ng ipinangangalandakang exemption sa pagbayad ng income tax, hindi isinaalang alang ng Gobyerno ang mga manggagawa sa informal economy na walang “Fixed Income” tulad ng mga vendor at jeepney at tricycle drivers.


Minaliit din ng ASAP ang P200.00 kada pamilya na subsidy ng Gobyerno.

Kung tutuusin aniya ay katumbas lamang ito ng P6.00 lamang kada araw na paghahatian ng isang mahirap na pamilya.

Maliban sa TRAIN law, tinututulan din nila ang iba pang programa ng Duterte administration Kabilang na ang war on drugs at jeepney phaseout.

Facebook Comments